Archive Page 2

30
Sep

matagal pa rin

matagal na rin ito..buhayin naman ng konti ang blog.

matagal na rin ako naghihintay ng processing ng work ko at neda. sa tagal naman ay, ano ba naman ang isang buwan na paghihintay pa?

kaya, nabuhayan ang dream land ko at naisip ang ilan sa mga nais gawin sa mga susunod na panahon…matagal pa un, pero baka malimutan ko na sa tagal.

  • mag-aral ng foreign language, spanish or french or both…in preparation for the next item

  • mag-MA sa

    europe

    for free

  • makapanood ng cirque du soleil na live (like quidam and alegria)

  • makapanood din ng pang-broadway theater production sa bansa at sa ibang bansa (watch na lang)

  • makapag-exhibit

    sana

    ng aking mga art works

  • makapag-design ng sarili kong bahay kahit hindi ako interior designer

  • magkawork at magkaipon para sa mga dreams ko na mga ‘to

The LORD will perfect that which concerns me; Your mercy, O LORD, endures forever; do not forsake the works of Your hands. Psalm 138:8 (nkjv)

15
Jul

blagblagblag

pagod

na

rin

pala

ang

aking

mga

mata

rev21:4

14
Jun

pag gising ko

pag gising ko na realize ko na:

hindi na kailangan magpainit ng tubig sa jumbo kettle para maligo

hindi na kailangan magmadali sa banyo dahil carry ko ang water temperature

hindi na kailangan ng malalaki at makakapal na kumot pag matutulog

hindi ko na kailangan magbitbit ng jacket kahit saan magpunta

wala na si chin-chin the dog na babati sa kin kahit ayaw ko sya

wala na ring fear kay niko the dog from the outside

hindi ko na kailangang sumakay ng jeep na bokawkan o trancoville papunta sa king patutunguhan

hindi na rin uphill and down hill kundi puro patag na daan na ang aking mga dadaanan

wala na akong sariling room at tv ngunit may katabi naman na pag natutulog

wala nang natural aircon

kailangan na super number three ang electric fan

hindi lang pine trees ang sa aki’y bubulagta araw araw, dahil marami pang iba dito

malayo na ulit ako kina jahd and zeik

wala na akong tourist quide, landlady ng bahay, kasama sa mga lakaran na kcmate

hindi na benguet state u ang babati saking campus paglabas ng bahay, kundi national na at sige na nga uplb

ako’y muling nagbalik na sa mahabang paglalakbay mula sa pgbabakasyon sa baguio at benguet. haaay!

15
May

moving forward

for some time ive been telling of the unsure things to come especially this june. i felt what alvin felt when i told him, "di ko alam kung makita pa kita na june." im really uncertain where i will be this june, will there be a work or an extended vacation? a transition probably? yet i still to know. Tba_010

but i’m moving forward. advancing to the greater uncertainti es for i know the Sovereign and Knowing God is by my side. haaay. i’m moving forward though the near june 2007 is a very blank space. haay, nakakatuwa isipin kung paano na ko nagbaba-bye sa mga tao yet hindi ko naman talaga alam kung san ako patungo. naghihintay pa rin ng mga tawag, yet its the Lord’s calling that i really have to be sensitive to.

moving forward, marching to the world’s reality. haay. what awaits me is in His hands, planned. how long? where? He got it all done for me. on marching forward to His call, as He is shaping me and dealing with me to the tomorrow that i’ll be facing.

15
May

pulopiling

pulpiling gumawa ng mga bagay na nais ni Lord ipagawa. pulpiling.

22
Apr

and i’m older

..truly, im older. belated happy birthday to me.

18
Apr

when all things seem to fall

ito ang araw kung san, pakiramdam ko lahat ng mga bagay ay bumagsak sa king harapan. (well, that seems to be an overstatement)

my desire to do something else, and desire to do another else. and be in this place and then to another. to talk to people and then share to another (hindi paggogossip). ung para bang gusto kong gawin ang mga bagay na gusto ko pero dapat isa isa lang, hindi pwede ang sabayan. tapos malulungkot kasi hindi carry ng super powers.

then biglang mapapaisip about our limitedness dito sa mundo. haay, truly we’re such a limited being (kaya nga may economics e, managing our "limited" resources) yet it doesn’t gives us excuse not to be the best of what we can be. we are limited, pero there are things we can do to put out the best on us.

nakakatuwang isipin ang ating pwedeng gawin when we get to heaven. like we will not be limited, kasi abundant at limitless (unlimited text na totoo) ang supply ni Lord na may-ari ng lahat. (pop-up thought: meron pa ba dung economics, ngaung unlimited na ang supply?) (pop-up answer: we will still be called to be stewards, good stewards of His resources). di ba, thinking of what possibilities we can do there in the place where He prepared for us, gives us much enjoyment to do things with the Lord with our perfected and resurrected body, tapos refined and perfected na rin ung mga bagay that we used to do sa earth.

haay, nakakatuwang isipin ang boundless capacity natin to do things for His glory. tulad nga message last Sunday, kailangan i change ang view kay God, icheck ang aking Christian life, at baguhin ang perspective ng eternity. hay. enjoy diba? kaya dun sa heaven, di na ako mapapagod mag-isip on what to do! sana kasama kita doon, kaibigan.

07
Apr

aun na nga

its amazing how the Lord really works.

after so much of questionings and desire to-knowings, nakakatuwa how He answers and speaks from the old testament’s minor prophets. hay. His ways are really not mine but its comforting to know that His tender love covers me. hay. buti na lang.

hay, kaysa kung paano ni Lord bigla na lang inaayos ang lahat. hay. this sunday’s message speaks of those who worshiped and those who doubted the risen Christ.  comforting to know that from the doubts one may have, the shadow of doubts that clouds my faith, there is a great God who can meet me and remove the darkness and show to me the sky again. hay, salamat Lord!

01
Apr

paano na?

paano na nga ba? hindi ko alam, malamang hindi mo rin batid. paano na? muli na naman akong natatabunan ng mga bagay na maaaring tumaklob sa aking sangkatauhan. paano na nga ba? kung takot at mga bagay na di pa alam ang babalot at mangunguna? paano na kung di na malalaman ang patutunguhan? paano na kung ang hahakbangan ay pareho pa rin pala sa inaasahan? paano kung hindi rin? paano ba?

29
Mar

kalamay na makapilipino

after reading some of my mails, i was glad to hear different views from the Filipino people on how they see our country. at some point, i was ashamed of how busy i might have be in my volunteer work. hay, ano nga ba ang masasabi ko sa pulitika at mga isyu na kinahaharap ng bansa kung di ko man lamang maiharap nag sarili ko sa mga balitang. nakakahiya ring aminin na wala naman din talaga akong say sa mga bagay, maaring dahil hindi rin ako dito lumaki, o hindi rin isinama ang sarili sa mga isyu at usapin na may kinalaman sa king bansa. although claiming ako na sa Pilipinas ko ibubuhos ang aking natutunan dahil pinag-aral ako ng sambayanang Pilipino, parang hindi pa rin ganon ang naiaambag ko sa bayan ko. (it feels good to talk of this matter so unusual for me)

hay, ano na nga ba? i was once walking sa campus mga pito o walong buwan matapos ng aking pagtatapos, mag-isa kong binaybay ang daan pa punta sa field, hay. i asked myself what have i done? what have i contributed? ashamed once again for my silent response for i know that there are really nothing to brag of my stay, hindi ko rin nga alam kung may napala ba ang unibersidad sa king pagstay, or may mapapala nga ba. ako lang kaya nag nag-iisip ng ganito? sino pa kaya? defending myself, at leat im trying to think about it, but its not enough.

whenever i see a beggar or someone na kawawa ang katatayuan sa akin, nalulungkot ako, pero ano nga ba ang ginagawa ko? deep in my heart, i can see and feel their sorrows and the emptiness in them. kahit na kadalasan wala akong pakialam sa mga taong nakakasalamuha ko, nakakalungkot na malaman na ang kasiyahang kanilang ipinagdiriwang ay maigsi lamang kung ikukumpara sa aking nararanasan sa araw-araw ng buhay ko.

hay, ano nga ba ang mga napag-iisip ko? hindi ko rin lubusang batid ang mga pangyayari. wala man akong maipagmamalaki sa king itinagaltagal sa kolehiyo, tunay ngang wala akong ibang mapagmamalaki kundi ang di masukat na grace and mercy ng Panginoon, at saking abang katayuan ay ginamit nya ako na gumawa ng kaibahan sa buhay ng kahit iisa lamang na tao. hindi ko batid ang extents ng pag-iistay ko pa sa lb after grad, pero, nagagalak akong makita sa mga mata ng mga taong sa king ipinagkatiwala ang pagbabago sa kanilang pamumuhay kasama si Kristo. wala naman talaga akong mapagmamalaki.

kahapon, i was at philippine high school for the arts, my last probably for now. asked to be the liturgist for their thanksgiving mass. hindi ko aakalain na ang aking huling sandali ay haharap ako sa mga bata na aking pinanonood at hinahangaan ng lubos. ako ang nasa harapan, hindi lang mga mata ng talented kids, pati ng mga school director at mga magulang, hay, hindi ko po sila kilala. but it was such an honor to bring the name of the Lord in front of them, through praises and psalms and prayers. wala man akong talento na singgaling ng mga kids dun, im glad to be used as God’s instrument to continue on proclaiming His awesome goodness. in silence, i worshiped God, in silence i thank Him for the opportunity to touch others’ lives. hindi ko man batid kung san mapapadpad ang mga bata na un, grabe ang opportunity na makilala sila at maipakilala ko ang Siyang lumikha sa Sining na kanilang tunay na mahal. hay.