12
Feb
08

bagong pagbabagtas

Thai_pav_pillars

kuha, ika-29 ng disyembre. ang aking huling araw sa LB taong
2007.

kung pwede lang sanang ang hangin ay tulad lang lahat
ng nasa LB.

kung pwede lang sanang ang pagsakay
at pagbaba ay hindi siksikan tulad ng LB.

kung pwede lang sanang hindi nakakapagod
maglakad ng sinlayo ng grove papuntang irri.

kung pwede lang sanang pumasok sa
gate ng walang id tulad ng LB.

kung pwede lang sanang gumising ng
ika-9 ng umaga.

kung pwede lang sanang lutong
bahay ni papa ang bumubusog sa kin.

kung pwede lang sanang katabi ko
si mama, papa, turtlee at turkle sa pagtulog.

 

pwede naman laging magtakip ng
panyo.

pwede namang maging maparaan sa
pagsakay.

pwede naming maging mapasalamatin
at maging masaya sa bawat paglalakad.

pwede naman pumasok na gate1
kahit wala pang id.

pwede namang matulog ng kasing
aga ng ika-9 ng gabi.

pwede namang mag-enjoy sa kahit
anong pagkain na mula sa Panginoon.

pwede namang mayakap ng
pagmamahal ng Maykapal nasan man ako.

 

..ikatlong araw sa trabahong tila nagmamanuscript uli ako.




1 Response to “bagong pagbabagtas”


  1. 1    Alison Pauline July 1, 2008 at 6:03 am

    waaah… kit… grabeh!… naiiyak ako sa blog na ‘to…

Leave a Reply

You must login to post a comment.