after reading some of my mails, i was glad to hear different views from the Filipino people on how they see our country. at some point, i was ashamed of how busy i might have be in my volunteer work. hay, ano nga ba ang masasabi ko sa pulitika at mga isyu na kinahaharap ng bansa kung di ko man lamang maiharap nag sarili ko sa mga balitang. nakakahiya ring aminin na wala naman din talaga akong say sa mga bagay, maaring dahil hindi rin ako dito lumaki, o hindi rin isinama ang sarili sa mga isyu at usapin na may kinalaman sa king bansa. although claiming ako na sa Pilipinas ko ibubuhos ang aking natutunan dahil pinag-aral ako ng sambayanang Pilipino, parang hindi pa rin ganon ang naiaambag ko sa bayan ko. (it feels good to talk of this matter so unusual for me)
hay, ano na nga ba? i was once walking sa campus mga pito o walong buwan matapos ng aking pagtatapos, mag-isa kong binaybay ang daan pa punta sa field, hay. i asked myself what have i done? what have i contributed? ashamed once again for my silent response for i know that there are really nothing to brag of my stay, hindi ko rin nga alam kung may napala ba ang unibersidad sa king pagstay, or may mapapala nga ba. ako lang kaya nag nag-iisip ng ganito? sino pa kaya? defending myself, at leat im trying to think about it, but its not enough.
whenever i see a beggar or someone na kawawa ang katatayuan sa akin, nalulungkot ako, pero ano nga ba ang ginagawa ko? deep in my heart, i can see and feel their sorrows and the emptiness in them. kahit na kadalasan wala akong pakialam sa mga taong nakakasalamuha ko, nakakalungkot na malaman na ang kasiyahang kanilang ipinagdiriwang ay maigsi lamang kung ikukumpara sa aking nararanasan sa araw-araw ng buhay ko.
hay, ano nga ba ang mga napag-iisip ko? hindi ko rin lubusang batid ang mga pangyayari. wala man akong maipagmamalaki sa king itinagaltagal sa kolehiyo, tunay ngang wala akong ibang mapagmamalaki kundi ang di masukat na grace and mercy ng Panginoon, at saking abang katayuan ay ginamit nya ako na gumawa ng kaibahan sa buhay ng kahit iisa lamang na tao. hindi ko batid ang extents ng pag-iistay ko pa sa lb after grad, pero, nagagalak akong makita sa mga mata ng mga taong sa king ipinagkatiwala ang pagbabago sa kanilang pamumuhay kasama si Kristo. wala naman talaga akong mapagmamalaki.
kahapon, i was at philippine high school for the arts, my last probably for now. asked to be the liturgist for their thanksgiving mass. hindi ko aakalain na ang aking huling sandali ay haharap ako sa mga bata na aking pinanonood at hinahangaan ng lubos. ako ang nasa harapan, hindi lang mga mata ng talented kids, pati ng mga school director at mga magulang, hay, hindi ko po sila kilala. but it was such an honor to bring the name of the Lord in front of them, through praises and psalms and prayers. wala man akong talento na singgaling ng mga kids dun, im glad to be used as God’s instrument to continue on proclaiming His awesome goodness. in silence, i worshiped God, in silence i thank Him for the opportunity to touch others’ lives. hindi ko man batid kung san mapapadpad ang mga bata na un, grabe ang opportunity na makilala sila at maipakilala ko ang Siyang lumikha sa Sining na kanilang tunay na mahal. hay.