Archive for December, 2006

27
Dec

ang pusa at ang pasko

ika-24 na kinagabihan ng huling buwan ng taon, isang malaking pusa ang tumambad sa aming mga mata. nakaupo sa likod ng bahay. unmoved. purring. seemed hurt. dahil pasko naman, matuwa na lang sya sa amoy ng niluluto sa kusina. wala kasing tira malamang-lamang sa aming kakain para sa celebration ng kapaskuhan.

at nagpasko na nga. yihee, flooded ng mga messages at sari-saring mga pagbati.

kinaumagahan, paglabas ko sa likod bahay, the kitty is not moving. nakahiga at tila walang kung anumang galaw. the kitty. the kitty is dead. when i don’t know. hay. sad. at syempre hindi ako ang magtatangal nun, si kuya!

patumpik-tumpik pa, wala naman talagang gustong humawak ng patay na pusa. at syempre, kami ni kuya ang nautusan. ahay, nagtitili ang kitot…ayaw hawakan ang pusang matigas na. tili! sigaw! waah. the kitty was dead.

in the evening, i’ve learned i’m not yet ready to face any loss. hay.

ang pusa at ang pasko.

17
Dec

kalamay

hay. i never imagined how this year has brought to my life. halu-halong kalamay ang mga pangyayari. i never imagined na itong taon din pala ako naging estudyante. ngaung taon din pala naging hindi na estudyante. at ngaung taon din naging higit pa sa estudyante.

ang halu-halong kalamay ng buhay. kaninang umaga naisulat ko ang mga tanong na rumindi sa tenga ko, mga pagkabahala, takot, pagdududa, mga pag-aalala.hay. buti na lang mabils na sumagot si Lord, "I will be with you". malaking buntung-hininga.

napansin ko lang lately, kaliwa’t kanan ang mga fellowship sa esvee. maya’t mayang pagdadaldalan. maya’t maya nagkikita. maya’t maya may kainan at kung anu-ano pang hiritan. maya’t maya magkakasama. hay. araw-araw na nga ata kaming magkakasama lalo na sa mga huling araw ng 2006. halu-halong kalamay na nga ang aming mga kwentuha’t kakulitan. hay. pano kaya next year? darating din ang panahon na ang araw-araw na ito ay mauuwi sa lingguhan, o kaya’y buwanan o minsanan na lamang.

mga bisita at mga dalaw. lately lang din, kung sinu-sino na ang mga nagpuntahan sa ka-elbihan.hala at kay raming nagdadatingan. hay. sa susunod, ako rin. dadalaw na lang, isang bisita. waaah…

ngayong linggo, marahil ang panahong makakapagpahinga na ako..buti naman at makakapagrest muna sa pagpreprepare ng at least apat na bible studies na magkakaiba. meron pang high school na makukulit at matanong. meron ding mga church kid na high schoolers. meron ding mga magaganda na tuwing ala-6 ng umaga ang pagkikita. at mga leaders ng sangka-esveehan. hay. buti na lang may pahinga. hay. darating din ang panahon, mamimiss ko rin ang ka-hectican na to. hahanap-hanapin ang pagpreprepare na marami.

maraming mga bagay na halos naging rhythm na ng aking sistema. naging umaga’t gabi ko ng trabaho. pang-araw-araw na gawaing halos mamaster ko na. hay. darating din ang panahon, mag-iiba ito. dadalhin ako sa kung anong dako na kakaiba sa ginagawa. ang mga ngiti’t kulitang sa’king bumabalot at pumapaligid, maglalaho at magiging kabahagi na lamang ng makulay na nakaraan. ang mga hagikhikan at mga kainan at kung anu ano pang pinagsamahan, gugunitain na lamang sa isipan. buti na lamang may laging babalikan. buti na lang may nagwikang "lagi Akong andyan." hay.

salamat maraming dahilan upang muling magalak at matuwa.

08
Dec

the gt in a week

anu-ano ang ginagawa at pinagkakaabalahan sa isang linggo?

sunday church service at lbcrc.sa hapon, pahinga, walang kokontra. ngunit ang pahinga ko ay enjoyment sa pagpeprepare ng mga BS to lead for the whole week.

weekday mornings is usually spend for my devotions and preparations sa mga meetings and documenting things.

monday 4-530 pm ang large group fellowship sa CSI kung saan ay nagpapasilly song or games. minsan may kasama at madalas may merienda. 530-7 rush to dl umali or thai pav para sa prayer meeting. 7-9 ang exec business mtg. hindi naman so far mabigat, sunud-sunod nga lang.

tuesday usually spent preparing for philippine high school for the arts from 5-9pm. so 5 hintay na ng shuttle pataas, mag didinner pagdating at ang bs ay 7 to 845. ngunit may pagbabago, 6am ang cg ko with the Jesus’ girls (6-7 na mga pretty girls) super aga kasi wala ng ibang schedule. so mega hataw sa umaga, originally thursday ng 5am! kamusta at nagising naman ako.

wednesday 4-530pm BS at christian school international with ar. sila ay mga boys at isang band. ngunit may additional load ako every other week ng 2-4pm for the cell-cell, ang cell group ng mga cell group leader for their feeding.

thursday 5pm ang prayer meeting then diretso na sa large grop from 7-9pm.

friday 6am ang cell group ng exec, originally 7pm. so mega aga ever!then at 6pm nay meeting sa church.

saturday 915-1245 ang art workshop ko sa high school for the arts, drawing! this is my day to enjoy.

in between meetings ay ang pakikipagmeet one-on-one (or gtky) with the leaders and students.

hay…kapoy. its only by His grace i can go on. much prayer needed. the peace that produces a joyful heart sustains me. fuels my sense of calling. encourages me to overcome the difficulties that stand my way. with new directions there will be new enablings. with new demands there will be new energy. with a new vision there will be new hope and new grace. and nothing will empower me to move forward as much as a joyful heart which has heard the call, counted the cost, made its commitment and has embraced the new.

only the joyful heart can walk the long and difficult road.