Archive for July, 2006

27
Jul

para lang may ma post ulit

para lang may ma-post ulit.

nakakawindang na rin ito ah. nakakapagod. nakakahingal. kailangan mo pa talaga magkasakit ng todo-todo para mas lalong makita ang kahinaan at kawalan. haay..wala talagang ibang masasandalan kung di si Lord. Ama. Panginoon. kagagaling lang sa sakit. sino ba namang gustong magkasakit sa loob ng linggong punung-puno ng mga trabahong kailangang ayusin at tapusin?hindi naman pwede basta-basta na lang humindi. hindi naman pwedeng talikuran ang lahat. at mas malupit, hindi pwedeng magresign! wahaha. kahit anong gusto kong gawin. ahay. kailangan talagang sumunod.. mahirap na pag si Lord ang nambatok. makakahindi ba ako? hindi pa naman ako naiiyak muli (mahirap un, db eena?). hindi pa naman gaano napapagod. sadyang may mga bagay na mahirap intindihan. at ang sabi ni Lord, sumunod. no buts, no ifs. pakialam ko ba sa plano nya e Lord sya. Waah.. bakit ang dami kong tanong? ang bigat ng isip sa dami ng mga kailangang isipin. hay naku, nakakaawa na ang hammock ko, paikut-ikot ako gabi-gabi at hindi makatulog, hindi ko malaman kung anong uunahin. waaah ulit.

it was a blessing na muli akong nareaffirm ng SVCF’s covenant of relationship. ambigat ever. lahat ng nakasulat dun near perfection, pano ba naman, Christlike ang lakaran sa buhay na ginagalawan. sige lang Kitot, endure. sige lang go! kaya mo yan.

kahit tabunan ko pa si Lord ng sandamakmak na mga katanungan, reklamo, hinaing, iyak, luha at kung anu-ano pa, sobra talaga ang pag-ibig nya. hay. kaya nga ever kabatok-batok ako ng tinanong nya ako "do you truly love Me more than these?" ikaw na ang tumaob. tameme. speechless. huwag na makipagdebate, sumunod na kasi.

maglakad daw ba sa alambre. hay naku ang ihang ito, kung anu-anong mga balak na gawin sa sarili. pagsiksikin daw ba ang mga kailangang gawin at umaapaw na ay sige pa rin. hoy, wait lang, hindi mo kaya. magbawas. magfocus sa kailangan. iwan muna pansamantala ang hindi kailangan.may panahon sa mga bagay na iyan.

sabi ko nga e, hindi ko kaya. Lord.

para lang may ma-post ulit, andami namang nasabi.