Archive for April, 2006

20
Apr

18:16, freedom park , april 6

gaano kabilis ang apat na taon? walo o 14?

paano na ang mga susunod na taon? bagaman ako’y walang pagkatakot, alam kong ito’y magiging panibagong pagsubok.

ako ba’y naging epektibo? estudyante? lider? Kristiyano? ate? anak? kapatid? kaeskwela? kaibigan? Pilipino?

akin bang pananalita’y nakita si Kristo? sa pagkilos at pag-iisip kaya?

anong mga katotohanan sa Kanyang mga salita ang aking natutunan? nagkaroon ba ng saysay o palamuti lamang?

saan ba napunta ang aking damdamin? ano ba ang naging sigaw at laging dalangin?

may mga takot ba akong kailangang bakahin?

ano ba ang laman ng puso ko? ano ang laking hikbi nito?

saan ba ako nakatingin? mata ko ba’y sa Kanya pa rin?

ano ba ang mga nagawa ko para kay Kristo? napasaya ko ba ang Ama ko?

20
Apr

too full?

so often we receive nothing from our spiritual exercises because we have not created any open spaces in our lives. we are too full. we may want to receive, but we certainly do not want anything to be taken away.

15
Apr

ang ngaun, ano ngaun?

bakit ako nakakamiss?

?

on missing and missing.

to fail to understand, to perceive, to experience

to fail to accomplish, to achieve, to attain (a goal)

to discover the absence or loss of

to feel the lack or loss of

to fail to avail oneself of an opportunity

?

?

i’m missing something that makes me miss something. sa mga bagay na na-mi-miss, may mga bagay na na miss, na-mi-miss at ma-mi-miss. on looking on the things that i miss, some things are then overlooked and missed as well. how to balance the missing and not missing others?

trade offs. the opportunity cost of missing something and not missing another. hay.

04
Apr

pananahimik

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

can i just be gone for a while? like fly away somewhere where the busyness of this world can never reach me? need rest. space. ease. freeze time. *poof* i’m gone. need to sign off.

04
Apr

mundo

bakit kailangan pa makibagay sa mundong hindi ko naman kinagisnan? napakaiba ng aking kinamulatan at hindi ko alam ang kanilang kinasanayan. makamundo? kakaiba. maraming temptasyon. maraming tukso. paano tatakasan? paano tatakbuhan? paano kung ang inaakala mong tutulong ay nalulong na rin? paano kung ikaw na lang ang tunay na tutulong sa sarili? bakit ba mahirap mag-isa. ayoko na nga tumingin dahil baka ako ay madapa pa, sa kanyang hindi magandang ipinakita. ngunit bakit kailangan pang aking ipamukha na siya ay aking kakilala, tapos nakakahiya lang pala. hindi na lang sana nakilala. hindi na lang sana nalaman pa, ng hindi sana ako nagkasala pa.

.

.

ayoko na sana, ngunit naisip ko ang ilan na sa’ki’y nakasandig sapagkat tila lahat ay isa’isa nang nayanig. kapit lang. ganyan ang mundong aking babakahin. papasukin. kakaharapin.