Archive for January, 2006

18
Jan

ang galing magpatawa

ilang beses na rin niya ako pinatawa. insert happy face here. ginulat. winindang. niyugyog. at ginimbal. akala ko, nang-iinis lang siya.

.

.

.

pano kapag may kailangan na tapusin na *****. uhm.. hindi lang sya basta bastang reaksyon paper o kaya mga reports na pwedeng madaliin. ganito ang sitwasyon: mahigit isang taon mo na pinaggugulan ng pawis at hirap ang ***** na ito. wala namang mawawala sa kin kung hindi ko maipasa ang ***** ko ontime. yung tipong magsasaya ang ka-esvee-han kapag nangyari ang hindi inaasahang pagtatagal pa sa campus.

.

tapos, isang gabi, naging desidido ako na tapusin na ung *****. kasi, napagtanto ko na 2 araw lang ay matatapos ko na nga ang ***** na iyon. sobrang ganado at excited ako na sa ibang bahay pa ako natulog para talagang matutukan ang ***** ko. insert happy face here.

..

ipinagpaliban ko muna ang pagpapatuloy ng ***** at sa halip ay binasa ang mga mahahalagang dokumento na isasama ko sa *****.

….

maaga akong nagising. nag-qt ( may batok no.175634 pa nga e). muling isinet ang kondisyon sa pagnanais na matapos na talga iyon.

goal: before 12 ng tanghali, 70 percent done na ang *****. nagawa kong mai-type at buong galak na pagtiyagaan ang trabahong ito.

.

bago mag 1130, napakasayang pangyayari. nagulantang kami ni kuya popo. insert sad face here. mahigit isang oras namin inisip kung paano muling maretrieve ung ***** ko. ipinagtataka ko lang bakit hindi ko marecover yung ***** ko. konti na lang talaga. 68 percent na ung nagawa ko. waah…gusto ko nang sumigaw. nakakapanghina. ano ba ito lokohan? waah…waahla akong magawa. insert super sad face plus tears here.

….

patawa sa buhay no.87643. ang galing talaga ni Lord magpatawa. alam niya ang kiliti ko. walang ulitan. walang nawala. magpapasa ako bukas ng *****.insert happy face plus tongue and hearts here.