noon siguro mga grade 3 ako. nakatira kami sa calamba. tapos, halos bagong lipat lang din kami.
naalala ko lang ung mga kaibigan ko habang naglalakad ako kagabi. ako, si kring-kring at si sophia. may dalang songhits at nagpa-practice sa isa sa mga bahay na di malayo samin. anong pinapractice? Christmas songs..
naalala ko lang na naging bata rin ako at isa sa mga sabik mangaroling. after ng practice, sumabak na kami at inikot ang subdivision. naghanap ng lugar na mukhang mabait at magbibigay ng pera. pag may aso syempre iwas kami.
sa pag-ikot namin, malaki na noon ang P3.50 (in real terms, ah..eh..baka 3-5 times ang katumbas noon sa P1 ngaun..hehe..ekonomista nga). ano ang papel ko? kasama nilang pamparami, taga-hawak ng songhits at taga kalog ng mga tansan.
ano ang nangyari sa P3.50? tig 1.25 silang dalawa, piso sakin. nagparaya. kasi alam kong hindi naman ako masyado kumakanta.
naalala ko lang.
naisip ko lang mabuhay ang nakaimbento ng mga unlimited/ nonstop texts. pano ba naman kasi nanggaling ako sa BSP (bangko sentral ng pil), para ito sa thesis ko. data gathering para matapos na ako. haay… ayon, alam ko naman ang papunta dun. itong weekend kasi, samu’t saring lugar ang napuntahan ko. at hindi ko rin malaman kung paano ako nakapunta sa bsp tapos, glorieta, tapos nagpunta pa ako sa shangri la (para mag-church) tapos gateway tapos pa pala market! market! wehe…napakagala ko namang bata. tapos pa pala sa bahay nila jd sa makati, tapos sa bahay ni desi sa proj 4. nag-stay ako sa villamor.
ang dahilan nga ulit ay para mag-data gath(ering) para sa thesis. but i enjoyed going here ang there. hindi ko alam talaga kung paano ako napadpad doon.
kelan nga ba ako babalik? nagtatago? may pinagtataguan?
buti na lang at may unlimited. akalain mong pwedeng mag-oversee through text. pwedeng mangulit. pwedeng magalit at manermon. ansaya. pero, pwede ring mag-sorry at mag-encourage. o teknolohiya!
kelan nga ba ako babalik sa sv? hindi pa naman ako umaalis. uhm… asa incubation period ako sa thesis (waha…excuse…pinaganda pa).
naisip ko nga, hindi na rin ako kailangan… kaya nila yon! waha..
balik akong bsp sa friday or kung mapapaaga…thursday night. ano kaya?