Archive for June, 2005

14
Jun

Late Nights and Early Papers

Gulantang. 

Napakaagang simulan ang semestre.

Di tulad noon, di na ako excited bumalik ng LB tuwing pasukan.

Di tulad noon, bumabiyahe ako lingu-lingo mula Quezon.

Tulad noon, asa Laguna na ulit ang buong pamilya

Tulad noon, napakalapit na lakaran ang binabaka ko araw-araw sa pagpasok.

Mula pagkagaling sa boracay,

Di pa man humihilom ang pagkasunog ng aking balat

Isang nakakawindang na pagtawag mula sa kalihim ng Kolehiyo ng Ekonomiya at Pangangasiwa

Maagang sulatin, maagang pakikibaka, maagang pagbalik sa silid-aklatan

Maaga pa para mawindang at maging abala

Maaga pa para gumawa ng pagsasaliksik

Maaga pa para magpuyat

Maagang pagbatok din mula sa Panginoon

Maaga pa para magreklamo

Wag pahuli sa pagsunod sa pagpapalang ito…

Magandang umaga, alas dos y media na ng umaga!

Maaga pa ang pasok ko sa Pilosopiya, alas siyete ng umaga

iha…maaga pa para sa huling taon ng pakikibaka